Huwebes, Marso 12, 2026

Batang Quiapo (TV Series - Teleserye)

Matatapos na ang Teleseryeng Batang Quiapo. Sa totoo lang hindi ko pinanood ng buo ang teleseryeng ito. Itong bandang huli na lang. Congratulations sa buong cast at buong serye ng programa. Siguro kung binigyan ko ng nominations ang teleseryeng ito ay Best Nighttime Series. Mahigpit na kalaban dito ang Encantadia ng GMA 7. Labanan at pukpukan ang labanan nila sa ratings.

Sa mananalo ng Richie Awards for Television congratulations. Hintayin niyo lang, mangyayari rin ito. Sa TV network, mas tinututukan namin ang hindi popularity contest. Hindi rin kami tumitingin sa Giant Network. Sa Best Tv program tumitingin kami sa kalidad ng programa. Sa Best TV Actor at Actress ay yun masa-sastisfy mo kami sa pag-arte ng artista sa kategoryang ito.

Humihingi kami ng entries sa inyo. Digital ang award certificate po namin. Ang telebisyon ay libangan ng mga taong walang magawa sa buhay. Ang TV ay kultura na ng mga Pilipino. Mahilig ang Pilipino sa comedy, action, drama, suspense at thriller, at iba pa. Ang TV ang bubuhay sa nababagot na estado ng mga tao sa Pilipinas.

Kahit minor category lang ang matanggap mo. Isipin mo Richie Awards iyan. Hindi iyan yung mababang uri na award giving body. Hindi kami Star Awards o UST TV na base sa popularity. Academy kami na ang tungkulin ay matuto ang manonood sa telebisyon. Kapag may sinabing may Richie Award ka, mag-celebrate ka na. Kasi bihira mangyari iyan sa isang tao.

Dito nagtatapos ang maiksi ngunit makabuluhan ko pong paliwanag sa Richie Awards. Kung may suhestyon kayo, komento, o violent reactions. Bukas po kami. Open po kami. Kailangan po namin ng donations para sa allowance at cash prize ng mga tao sa PATAS. Itigil niyo rin po ang pamba-bash sa award giving body na ito kasi ito ay parangal sa mga nagpapakahirap sa telebisyon. Yung lang Po. That's all.


G. Richard B. Ernacio

- President and Creator of PATAS     

       

      

    

           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento