Martes, Mayo 31, 2016

Tatlumpu’t Isa

Ngayon ko na-experince ang calendar shift sa UP. Nakakapanibago. Tapos mas ngarag dahil 9 yunit ako. Tapos maraming komunikasyon ang pumapasok.

Hindi katulad ng nakaraang taon na tag-init, dahil sa pag-aaral, di na rin ako nakakalabas ng bahay. Mas unti na ring nababawasan ang kalat ng kwarto. Nag-iisip na rin ako ng plano pagkatapos ng semestre. Kung saan ako magtatrabaho, kikita ng pera, mga yaman na nais naisin. Hindi na ako tutuloy sa OLFU ng 1st sem. Di ko alam ko kung babalik ako.

Samantalahin ko na ang edad na ito. Pagbigyan na sana nila ako. Huwag na rin nilang hintayin na ako pa mag-initiate. Kung kilala naman nila ako, sungab na. Hindi na ako tatanggi lalo na sa campus. Sana lahat ng mga hangarin ko sa ikabubuti ng edukasyon at ng bansa ay matupad. Naisip ko na marami dapat trabahuing sa bansang ito.

Salamat sa administrasyong PNoy. Magiging halimbawa ang panunungkulan mo sa bansa. Kay Pangulong Duterte, sana ang mga kahingilan namin sa State U ay iyong mapakinggan. Marami kaming kailangan gawin lalo na at marami sa mga kabataan ay salat sa edukasyon. Masaya na rin ako at nakagawa ako ng pananaliksik sa akademya. Dati walang Grade 7. Ang pornstar sa Amerika lang, sa Pilipinas wala.


Salamat at na-vindicate na rin ang The Weeknd sa Billboard. Nakakapagtaka, walang nanalo sa bet ko. Sana yung expected grade ko sa ngayon sem sa UP ay makuha ko at mas nakakatuwa kung higit pa rito ang makukuha. Hangga’t kaya ko magsalita, manindigan, magbigay ng aral, makagawa ng proyekto at programa para sa ikauunlad ng bansang ito, gagawin ko. Ito na siguro ang kapalit na binibigay ko kapalit ng edukasyon na binigay nila sa akin.